Tacloban: 4D 3N Kalanggaman Island & Biliran Island tour Travel Itinerary and Expenses


Akalain mo bang ganito pala kaganda sa kalanggaman island-blue/clear water, white sand, at ang sandbar o di ba ano pa hahanapin mo. Para syang Sumilon Island ng Cebu ganon kaganda by the way hindi ito DIY kumuha kami ng tour here at "http://www.biliranisland.com / https://facebook.com/biliranisland / @biliranisland on Twitter / 0915 796 23 24 / 0918 820 8229" Kaya ill give some ideas nalang where to go and what to do here at Tacloban City.

4D3N Kalanggaman & Biliran Island Tour Itinerary
(Itinerary talaga namin ito)
Day 1
7:10 AM Pick up at Tacloban Airport 
(13 kami lahat sa loob ng van-grandia)
7:15 AM Tac Airport to Palompon Leyte
9:40 AM at Palompon Tourism Office
(Dito na kayo magpapalit ng damit pang aura sa kalanggaman kasi dadalhin lang yung importanteng gamit. Nakita ko yung price ng bangka pinakamura ay 3,000 pesos kaso di ko alam kung pang ilan tao yun)
10:00 AM Palompon to Kalanggaman Island
Kalanggaman Island
11:00 AM at Kalanggaman Island
(ito naaaaa, monday kami pumunta kaya kaunti lang ang tao picture galore. PS. guys kung gusto nyong walang mga photobomber magtravel kayo ng weekdays' ganyan lagi ang travel day namin)
12:00 PM LUNCH
(walang bilihan ng pagkain doon kaya kung mag diy kayo magluto na kayo bago pumunta. Kami naman nagbayad kila kuya ng another 250 pesos for lunch of Chicken/pork Bbq, sugpo, scallops,syempre ang rice at may pa-watermelon pa sila - madaming serving kaya busog)

PS. Lunch meal for 3 days lang ang inavail namin kay kuya 750 pesos each

after namin kumain nagikot ikot kami sa buong island
Fatbike- 150 pesos per hour
May banana boat sila don kaso wala pa silang license to operate kaya pag pumunta kayo don baka meron na
Cottage/Tent- 1,000 pesos for 1 night
 with Foam yan sa loob, super cute hahaha
Kalanggaman landscape
dyan kami nag bike at umiikot ikot bandang dulo ng island - dito rin ata yung sosyal na part ng kalanggaman island yan lahat ng nasa picture sa dulo lahat yan makikita.
12:40 PM Swimming, Snorkeling
(siguro kung meron kang snorkeling gear)
3:00 PM Snacks
(walang snacks na libre lahat ng food na binibigay nila ay may bayad)
4:00 PM To Palompon Tourism Office
5:00 PM at Palompon (Dito na magbabanlaw, sana lang may mas maayos at malaking banlawan kasi kami ngang 13 ay nagantayan pa what more kung madaming tao)
5:10 PM Palompon to Biliran
7:40 PM Talahid Beach Resort  in Almeria
8:00 PM Check in
(beach front yung pinagstay-an namin' aircondition room with tv and cable, malaki din ang cr keri na! 3/5 stars for the beach malinis naman medyo white sand usual beach na makikita sa zambales mga ganon klase)
8:20 PM Dinner
(di kami nagvail kila kuya ng dinner mahal kasi 200 pesos each pero buti dinaan kami ni kuyang driver sa ihawan para syang larsian ng cebu nagastos lang namin ay 395.00)
10:00 PM Good night
(walang usap usap haha)

Day 2

6:30 AM Breakfast
(kape at tinapay lang kami di kami nagavail ng food nila kuya. pwede pala kayo mgpaluto sa tindahan sa resort)
7:10 AM To Batang Talahid Avila Island Masbate City
(Instead na pumunta kami sa talaga nasa itinerary dyan kami napunta kesyo maganda daw kaya 3 lugar ang hindi mapupuntahan dahil dyan)                          
7:20 to Tingkasan Bat Cave
(Enjoy pa nung una habang nasa laot)
7:50 at Tingkasan, Swimming, Photo ops
(Lumalakas na ang alon medyo scary na)
8:10 to Sambawan Island
8:50 at Sambawan 
9:00 Photo ops, Swimming, Snorkeling 
(Hala ang tagal pala ng byahe tapos samahan mo pa ng malakas na alon nakakatakot talaga, nung nalaman namin na masbate city yung avila island aware na kami sa alon dahil nakapunta na kami don kaso mas malakas pa pala ang alon mula tacloban to masbate buti nalang nakakita kami ng dolphin habang nasa laot yun nalang ang nagpapawala ng kaba namin)

Ang saya makakita ng dolphin na nasa dagat talaga at tumatalon. Achievement unlock yes!

11:30 AM Avila Island Masbate City
(after 3 hours sa wakas nakarating din! di ako natuwa di naman ganon kaganda na mapapanganga ka. maganda pa nga ang burias island ng masbate din. epic lang tong pinagpalit namin sa tatlong lugar hay nako'
12:00 NN LUNCH
(1:30 na kami nakapaglunch gutom at pagod lang talaga napala namin dito)
1:00 PM ETD to Higatangan Island
2:00 PM ETA at Higatangan Rock Formation, Swimming
Avila Island Masbate City

Avila Island Masbate City

Avila Island Masbate City
(2:30 PM Natapos kami mag lunch then nagiikot ikot kami sa island, manok lang ang nagdala)

2:30 PM ETD to Higatangan Shifting Sand Bar
3:00 PM ETA at Higatangan Shifting Sand Bar, Photo ops, Swimming 
3:30 PM ETD to Dalutan Island
4:00 PM at Dalutan Island, photo ops, swimming, snorkeling  to Sambawan Island
(akala ko wala na kaming pupuntahan kasi naubos oras namin sa pagpunta sa avila)
4:30 PM ETD to Dalutan Island, Snacks
4:45 PM ETA at Capinahan Island, snorkeling
5:30 PM ETD to Batang Talahid Sambawan Island
(Ang Ganda top 2 place para sakin dito sa tour namin! no. 1 syempre ang kalanggaman island. Mala-isla de gigantes ang view sa taas and tubig naman ang linaw din wala akong masabi).

Sambawan Island

Sambawan Island

Sambawan Island

Sambawan Island
5:40 PM ETA at Batang talahid, to Resort
6:00 PM ETA at Talahid Beach Resort to Talahid Beach Resort
(Pauwi na kami' inabot kami ng gabi, first time kong ginabi sa laot tipong wala kang makita kundi ang nagiisang ilaw lang ng bangka nyo. Pagod, Lamig at takot ang naramdaman namin ng araw na yan tapos umulan pa habang nasa gitna kami ng dagat. Memorable! sa sobrang memorable ayaw ko ng umulit hahaha)
7:30 PM Dinner
(Nagbaon kami ng ulam galing sa tira namin nung lunch sayang binayaran naman namin yun haha kaya nagpaluto nalang kami ng kanin at ilog sa tindahan for 125 pesos)
10:00 PM Goodnight
(bonggang araw eh kaya pagod talaga)

Day 3

7:00 AM Breakfast
(Kape kape lang)
bago pa kami sumakay sa van nagsabi na sila kuya na hindi pwedeng puntahan yang nasa itinerary kasi umuulan actually since day 2 umuulan na talaga at malakas. so ayun kaysa i risk namin ang buhay namin di na kami pumunta kaya ang pupuntahan namin ay yung panghapon pa dapat.
8:00 AM To Sampao To Acaban Bat Cave, Bool Culaba
8:30 AM at Brgy Sampao Almeria Acaban Bat Cave, Photo ops, Swimming
(wala naman akong nakitang bat haha)
Acaban Bat Cave
8:35 AM Trekking to Recoletos Falls
9:10 AM  at Recoletos Falls, Photo ops, Swimming  to Barangay Mainit in Caibiran
9:45 AM  to Ulan Ulan Falls Mainit Hot Spring
(pinagisipan mabuti ang pangalan ng hot spring haha mainit na hot pa, relaxing dito hay)

10:00 AM  at Ulan Ulan, Photo ops, Swimming
11:00 AM Trekking to Sampao to Tinago Waterfalls
11:30 AM Back to Talahid Beach Resort at Tinago Waterfalls, Photo ops, Swimming
Tinago Waterfalls

Tinago Waterfalls
Di kami nakapagswimming malakas ang agos at umuulan

12:00 NN LUNCH to Talahid Beach Resort
1:00 PM To Acaban Bat Cave, Bool Culaba at Talahid Beach Resort
(lafang!)

those crabs waaaa sarap! ang tataba!

2:00 PM  at Acaban Bat Cave, Photo ops, Swimming to Dinalutan Island
(pinapili kami kung ano gusto namin i replace sa falls' ang choices yung 3 lugar nung day 2 na hindi napuntahan dahil kay Avila Island. nagkasundo kami at pinili namin ang Dinalutan Island na kabilang island lang from us - nadala na kasi sa bangka kaya malapit lang pinili namin haha)
2:30 PM  to Barangay Mainit in Caibiran at Dinalutan Island
Dinalutan Island

Dinalutan Island
3:10 PM at Mainit Hot Spring
3:30 PM to Tinago Waterfalls
3:50 PM at Tinago Waterfalls, Photo ops, Swimming
4:30 PM to Talahid Beach Resort
5:30 PM at Talahid Beach Resort, Sunset
7:00 PM Dinner
(Nagpaluto kami ng instant pancit canton, egg at nagpabili kami ng tinapay for 315 pesos, sa ganitong panahon mo talaga maappreciate ang ganitong pagkain haha)
10:00 PM Goodnight
(Nag prepare na kami ng mga gamit namin bago matulog' maaga kasi kinabukasan)

Day 4

3:30 AM Breakfast
(Meat loaf, Egg with sardines and rice for 385 pesos)
4:00 AM ETD to San Juanico Bridge, Tacloban
5:20 AM Carigara Leyte, Pasalubong
(Nag drop by kami dito para kumuha ng moron, mas mura kasi dito at malalaki pa)
6:30 AM San Juanico Bridge, Photo ops 
San Juanico Bridge
Patintero sa mga sasakyan sige makakuha lang ng pics sa gitna' sadly walang nakuhang magandang shot

7:00 AM  ETD to MV Jocylen 
7:30 AM ETA at MV Jocylen, Picture
(Di na ko nagpapictue dito tinatamad na ko bumaba ng van)
8:00 AM ETD to Mc Arthur Park
9:00 AM ETA at Mc Arthur Park
alam nyo na to hahaha

9:30 AM ETD to Tacloban Airport
9:50 AM ETA at Tacloban Airport

End of Tour

Sorry kung medyo magulo ang dami kasing changes di ko na tinggal yung orig. itinerary para if ever na mag avail kayo sa bilirian island tour alam nyo yung difference. 

2 stars lang sakin si biliran island tour singilin ba naman kami sa kulang ng ibang grupo! Naginit talaga ulo ko dyan, nagbayad kami ng full using may credit card thru paypal may additional 5% percent pa nga pero sinabi nya nung una add 500 pesos lang daw pero nung magbabayad na kami' 1,185 pesos yung dagdag' medyo magulo kausap si kuya hay nako. samantalang sa iba wala naman additional fee pag credit card same rate. Di ba dapat may discount pa kami dahil full payment kami kaso wala! Ok na kami don eh sige pagbigyan natin kahit may additional fee kaso pati ba naman kulang ng ibang grupo amin pa, 5 kasi kaming magkakaibigan tapos yung isang grupo na kasama namin 8 so total of 13. Eh 9 daw pinareserve tapos 8 lang pumunta kaya yung payment ng hindi pumunta ay kung pwede daw ay paghahatian daw namin 13. kasalanan ba namin di pumunta yung isa at grupo ba namin yun? Wala man lang common sense si kuya! Smh! Di ako/kami pumayag! kayo anong say nyo? 

All in all ok naman yung tour' mabait sila lahat at accomodating, dyan lang talaga ko nainis. gusto ko sya i rate sa fb para di nya gawin sa ibang tourist at para na rin ma aware sila.

Ayun natapos nanaman ang aking pag lalayag! Thank you sa readers kung meron hahaha

SUMMARY OF EXPENSES
DAY 1
Dinner at ihawan: 395.00
DAY 2
Dinner Paluto: 125.00
DAY 3
Dinner Paluto: 315.00
DAY 4
Lunch at Airport: 325.00
3 lunch meals: 3,750.00
Biliran Island Tour Fee: 24,895.00
Total: 29,480.00/5 person
TOTAL EXPENSES: 5,896.00 each

Di ko alam kung mura na to or mahal pero namamahalan ako, Search for more offers guys not recommended ito!


Next Destination Cebu- Bohol ...






Comments

Popular posts from this blog

Surigao: Enchanted river, Laswitan, Tinuy-an Falls & Britania Group of island Travel Itinerary and Expenses

Davao City: Eden Nature Park & Samal island Travel Itinerary and Expenses 2D 1N