Davao City: Eden Nature Park & Samal island Travel Itinerary and Expenses 2D 1N
How do i start? this is my first time to write/make a blog. I'm making this kasi sayang yung memories pictures videos etc. at para na rin makatulong. Sana. Ayun! welcome to my blog! :)
OK I'LL DO THIS NOW.
Why Davao?
Actually nag dedepende yung pag travel namin sa seatsale eh. abang abang ganern syempre sino ba naman ayaw ng mura di ba? so this time nakakuha kami ng ticket roundtrip for 1,983 php sa www.cebupacificair.com. We decided na mag DIY nalang (first time-nagmamagaling eh) tapos ang pupuntahan lang namin ay Eden Nature Park and Resort and Samal island, ayaw kasi namin ng city tour nakakapagod nadala kami nung cebu trip namin haha!Going to Eden Nature Park
Feb 14
Day 1 Arrival
6:00 am ETA Davao Airport
*Naglakad kami palabas ng airport malapit lang naman siguro mga 200m (Dito palang nagsisi na kami bakit kami nag DIY hahaha lakad galore ba naman kami eh)
*Pagdating sa kanto ng airport sumakay kami ng jeep-roxas blvd. ang signage 15 php (Nagtanong tanong kami doon kung ano sasakyan kasi yung binasa namin blog wala rin nakalagay kung ano sasakyan)
7:30 am Roxas Blvd
* ride a jeep to toril 20php
8:00 am Toril
*ride a tricycle/habal habal to eden 100php
9:00 am Eden nature park
*Note: Rides will open at 1 pm. Kaya naubos ang time namin dito so nag antay kami ng matagal.
![]() |
Eden Nature Park and Resort |
![]() |
ito yung updated fees nila for every rides as of 2/14/17 |
*Nag ikot ikot nalang kami sa loob ng eden madami naman pwedeng makita at gawin. lalo na to hahaha super saya parang ayaw na namin umalis dahil dyan (See video)
May pa heart sila |
*buffet lunch for 550 included na din yung entrance fee (Sulit yung buffet lunch! I suggest ito nalang kuhain nyong meal sakanila, nakita ko yung serving size nung platted snacks nila ang unti lang).
1:00 pm Skycycle and Skyride*mas makakamura kung kukuhain nyo yung "combo" for 300 pesos. Ganyan sya kataas mga bes actually mas natakot ako sa bike cycle compare sa skyride
Going to Samal Island
2:30 pm Eden Nature Park
*ride a tricycle back to toril 80 php (mas mura pag pabalik)
3:30 pm Toril
*Taxi to Sasa Wharf (nag taxi kami as a advice ng mga taga don
4:30 pm Sasa Wharf ferry
*Note: pwedeng magbangka pero during our time malakas ang ulan kaya nag bus kami to penaplata 50 php
5:15 pm Penaplata
*sumakay kami dito ng trike papunta ng kaputian beach 100php pero nung pagdating namin sa kaputian beach (1.5hrs byahe) wala kaming makitang pwdeng pagstayan gabi na rin kasi non and lack of info kami, kay kuyang driver lang kami umaasa kaso fail. Nag decide kami na bumalik nalang penaplata. si kuyang driver rin sinakyan namin kasi madalang ang mga sasakyan don at gabi na. pinagbayad nya kami ng 520php included na yung papunta bale pinagadd nya nalang kami.
7:00 pm Penaplata (fernandez beach)
*Nagstay nalang kami sa Fernandez Beach Resort for 1200php good for 4
*I'll give 3 out of 5 stars - Ok lang kasi. malinis naman yung beach kaso syempre hindi ganon kaganda. May pool pala sila sa loob.
Feb 15
Day 2
kinausap/kinontrata na namin si kuya driver (tricycle) para i tour kami sa buong samal island for 1200 php good for 4 person (service lang po ito)
6:00 am Fernandez Beach Resort
*1st stop namin sa taclobo. 500php each rent sa bangka,
8:30 am Taclobo
*8 am pala kasi ang open nila kaya nag antay pa kami don. 100 php for snorkeling gear plus 100 pesos bayad sa taclobo for 1 hr with tour guide na
Giant Clam |
9:30 am island hopping
*Pearl Farm = Ginto. Ang mahal pala dyan! magstay sana kami kaso while searching sa site nila and check the rates umurong kami hahaha pinakamababa ata nila nasa 8k naka promo pa yun dahil vday that day. hanggang masid nalang kami hahaha
![]() |
Pearl Farm Resort |
![]() |
Mangrove tress in some part of samal island
|
*nag add kami ng 300 php each para iikot kami ng bangka.
*di pwede bumaba kasi may may ari na ng island na makikita nyo so once na bumaba kayo automatic may bayad.
10:00 am Taclobo
*pumunta kami ng hagimit water falls
10:30 am hagimit water falls
*5 php for environmental fee; 40 pesos each for entrance fee
![]() |
Hagimit Water Falls |
Hagimit water falls |
*Nakarating na ba kayo ng Badian, Cebu? Ganon dyan sa hagimit water falls same water although mas clear pa din si Badian pwede na rin sya i compare in some part.
*Weird thing na ginawa namin dito pumasok kami sa butas na akala namin cave yun pala butas lang ng bato' sobrang kipot at ang dilim sa loob medyo scary pero ok lang ang saya naman hahaha
*Weird thing na ginawa namin dito pumasok kami sa butas na akala namin cave yun pala butas lang ng bato' sobrang kipot at ang dilim sa loob medyo scary pero ok lang ang saya naman hahaha
12:00 noon Fernandez Beach Resort
*Umuwi na kami kasi need na namin bumalik ng davao para makabili ng mga pasalubong and dun na kami mag stay to wait for our surigao tour (ill post another blog for it)
1:00 pm Going to Sasa wharf ferry
*si kuya driver (tricycle) din ang naghatid samin kasama na din yung sa bayad. Wait! Di namin naikot ang buong samal dahil sa limited time nabawasan yung 1200 naging 1000 pesos nalang.
*ride a barko/roro for 10 pesos (feeling namin nasa titanic kami nasa taas kasi kami)
1:15 pm Sasa Wharf ferry
*Nagbook na kami ahead ng pag stay-an namin while waiting for our surigao tour. we check in 'Airbnb' nakahanap kami ng 1100 for 4 person located near Davao Medical Foundation https://www.airbnb.com/rooms/16796807?guests=4&adults=4&children=0&infants=0. Super recommended yan si Ms. Cassie ang bait nya' nilutuan nya pa kami ng champorado nag offer pa ng cake! plus may naka ready syang tea, coffee para kang nasa hotel!
1:15 Going to Davao Medical Foundation (Airbnb booked)
*ride a jeep 'tibunco or panacan' for 13 pesos then sabihin nyo sa davao medical foundation
2:30 pm Davao Medical Foundation
*walk for 5 mins.
2:35 pm Ms. Cassie house (Airbnb booked)
*Ligo, Pahinga unti umalis kami ulit para bumili ng pasalubong di na kasi so this is the day.
4:00 pm Going to Aldevinco Shopping Center
*ride a jeep for 8 pesos. we bought some t-shirts, suha (50 pesos/kgs panalo tong suha na to' ako yung tipo ng tao na hindi mahilig sa fruits ripe mango lang yung talaga di ko inaayawan na fruit pero nung natikman ko ang suha ng davao dalawa na ang fave kong fruit!), pamaypay na nagiging sumbrero at kung ano ano pa.
*for delicacies kay lola abon daw haha lola ko charot
*Note: Night market tong Aldevinco daming kainan pwede kayong mag dinner dito dami ihaw ihaw
*Note: Night market tong Aldevinco daming kainan pwede kayong mag dinner dito dami ihaw ihaw
6:00 pm Going to lola abon's store
*advice samin ng mga taga don mag taxi nalang kami so nagtaxi kami 115 pesos for 4 person
6:30 pm Lola Abon
*Durian, Mangosteen candies and tsokolate-tablea shopping!7:00 pm Going back to Ms. Cassie house (Airbnb booked)
*Nagtaxi nalang din kami ulit dami na rin kasi naming bitbit 110 pesos for 4 person, bumaba ng 5 pesos haha
7:45 pm Dinner
*Kumain muna kami mga bes! grabe gutom namin. kumain kami sa tapat ng Davao Med. Foundation,
Ps. wag pala kayo magugulat pag kumain kayo dun kasi aakalain nyong nasa india na kayo sa dami ng mga indian national don pati restaurant ay indian food. mas naiintindihan pa nga ni ate (Tindera) yung mga indian kaysa sa amin na tagalog hahaha di ba ang saya!? yung dinner namin 100 pesos each lang kami kasi di namin maintindihan yung mga menu don at di sya mukhang masarap
9:00 pm Back to Ms. Cassie house (Airbnb booked)
*Nagprepare na kami for our surigao tour susunduin kasi kami ng 12am.
*Nung sinundo na kami ng tour namin dapat sa davao med. foundation pa kami susunduin pero kinausap ni ms. cassie na sa bahay nalang mismo nya kami sunduin at pumayag si surigao tour! o di ba ang bait talaga ni ms. cassie feeling mo talaga kamaganak mo sya sa sobrang bait nya samin.
(to be continued)
TOTAL EXPENSES FOR 4 PERSON 12,209.00
Day 1 & 2: 3,052.25 each
If may choice naman kayo na kumain sa mura go for that kasi kami that time no choice na, so mas less pa yung expenses nyo dyan. also kung group of 5 or more baka mas makamura kayo sa rent ng boat' mahal kasi talaga ang boat rentals sa samal island. last thing i encourage you mga bes na mag research ng maigi about sa mga pupuntahan nyo.
In this travel i realize na nakakagising pala ang pag DIY exciting kasi dahil di mo alam kung san/pano kayo makakarating sa pupuntahan nyo nakakapgod nga lang at di tansyado ang oras.
Salamat sa mga tao sa davao ang babait nyo po lahat!
Follow me on instagram 'sherrymaesolomon' thanks!
Comments
Post a Comment