Surigao: Enchanted river, Laswitan, Tinuy-an Falls & Britania Group of island Travel Itinerary and Expenses





The best picture i had' pano ba naman yung cellphone ko nalowbat! Bakit di ko na charge? naginarte yung phone ko nabasa kasi sya dyan sa laswitan, water resistant naman sya kaso ayaw lang talaga ma charge 'moisture detected' daw. kainis right?

Ikwekwento ko lang yung tour namin kumuha kasi kami ng tour package sa 'surigao tours' search them on facebook for 2,200 each. Puno kami sa van in short masikip dapat kasi kaming apat lang for the price of 19,160.00 for 4 person kaso nag message si kuya na may joiners daw if we want and we grab it! syempre laking mura non ah masikip nga lang haha tiis tiis lang ganon talaga pag nagtratravel. Ito yung inclusions nila

Package Inclusions:
✓ Room Accommodation (Aircondition Room)
(Spacious. good for 2 yung kada isang bed, yung aircon joke time haha walang lamig buti nalang malamig sa lugar' CR naman ok din mahina lang tubig).
✓ Round Trip Van Transfer (Davao-Surigao-Davao)
(Sa MCDO dapat meeting place kaso malapit ata si pinagtuluyan namin kaya sinundo na kami don mismo [nasa unang blog ko yung about sa pinag stay-an namin]. kasama hatid sa airport).
✓ Entrance & Environmental Fees
(no idea haha sorry).
✓ Cottages (Enchanted River, Tinuy-an Falls, Britania)
(Di naman na kami gumamit ng cottage sa lahat ng pinuntahan namin' una palang kasi sinasabi nila dalhin lang yung imporante. Bili kayo waterproof bag guys sobrang useful non).
✓ Fuel Surcharge/Driver
(As usual).
✓ Boat for Island Hopping - Britania
(Mga 4 na island ata inikutan namin)
✓ Bamboo Rafting
(Panalo to, kwento ko mamaya sa baba)

Feb 16
Day 1 Rainy Day
3:00 am Meet-up (like i've said sinundo na kami nila kuya kaya di na kami pumunta sa meetup, sinundo nalang namin yung joiners)
3:00 am Going to Laswitan
*Matagal byahe 5hrs mga bes. pagdating ng 6am nagstop over sa jollibee kaya kumain na din kami ng breakfast then byahe uli).
8:00 am Laswitan
*Sumakay kami ng habal habal for 5 kms (Sarap lang talaga sumakay sa habal habal hahaha tapos rough road pa)
1/5 Laswitan lagoon, SDS

2/5 Laswitan lagoon, SDS

3/5 Laswitan lagoon, SDS

4/5 Laswitan lagoon, SDS

5/5 Laswitan lagoon, SDS
  • Trivia! Ang ibig sabihin pala ng laswitan ay yung 'wave na humahampas' kaya laswitan ang tawag nila dito' hindi rin lagi may laswitan kaya kaabang abang din pero dahil umuulan nung pumunta kami ang lakas ng laswitan, nabasa nga cellphone ko di ba. smh.
*Umalis kami don ng basa kasi next destination basaan uli saka para narin tipid sa damit (ayan ha tip yan!)
10:00am Going to Britannia Group of island
*Mahaba uli byahe. (Sakit na sa pwet basa pa kami) Nagdrop by kami sa isang kainan para mag lunch.
1:00 pm Britannia Group of island
*May hindi kami napuntahan na island dahil malakas ang alon di pa rin kasi tumitigil yung ulan (kung sa laswitan advantage malakas ang ulan pagdating sa britannia hindi. smh uli). Yun pa naman daw yung pinakamaganda sa lahat



*Fine white sand din sya kaso mabato lang ang daming corals na naka kalat sa shore' may sand bar di lang ganon kaakit akit like isla de gigantes o kaya sumilon island. I think virgin island to kasi may sea urchin at starfish akong nakita sa shore



4:00 pm To Room Accomodation 
*Sa wakas makakapag pahinga din. Epic lang habang naliligo ako nawalan ng tubig tapos inayos pa yung gripo so kailangan ko lumabas ng cr. smh x3.
6:00 pm Dinner
*nagpaluto kami ng crabs for 300 pesos pati kanin for 40 pesos - solve!
7:00 pm Goodnight
*tulog kami kagad wala ng usap usap hahaha

Feb 17
Day 2
6:00 am Breakfast
*May pa free breakfast sila kuya' egg and hotdog.
7:00 am Going to Hinatuan Enchanted River
*Pinakahihintay na part ng surigao tour
9:00 am Hinatuan Enchanted River
*Speechless. One for the book talaga





*Closed ang hinatuan river nung pumunta kami luckily nga lang pumayag sila mag picture taking 5 mins nga lang eh kada spot. as far i know mag oopen sila this March 5, check the FB page of Hinatuan LGU https://www.facebook.com/lguhinatuan/ for updates and sabi daw di na pwede maligo malapit don sa hole pero sa other side pwede na pag nag open na
Other part of Enchanted River
10:30 am Going to International Doll house
*Tapos na pinakaexciting na part ang enchanted river pwede na mag uwian haha charot meron pang next
11:00 am International Doll house
*Fan ba kayo ng dolls? ako kasi hindi. pero interesting yung bawat history ng mga dolls.
  • Trivia! Nung unang panahon pala pag namatay ang isang tao pinapagawan ito ng manika at ginagamit mismo yung pilikmata nila at buhok at dapat kamukhang kamukha nila yung manika kasi kung hindi uulitin yun' mayayaman lang ang may kayang magpagawa nito noon. 
12:00 am Lunch
*Yung may ari ng International Doll house ay isang Chef at nagtayo sila ng restaurant sa tabi lang ng doll house overlooking ito sa buong lugar ng bislig (feeling tagaytay ang view).
*Ang sarap ng food at ang mura pa! 600 pesos bill namin may take out na yun na burger at sobrang busog namin. sayang di ko nakuhaan ng pictures and nakalimutan ko kung anong cuisine yun.
12:30 pm Going to Tinuy-an Falls
*Byahe uli for 2 hrs (Malayuan mga lugar dito kaya advice ko sainyo kumuha talaga kayo ng tour)
2:00 pm Tinuy-an Falls
*Dito na yung bamboo rafting' Malaks na ulan at Malakas na bagsak ng falls equals RAPSA!
Bamboo Rafting

Upper Part ng Falls


*Tatawid kayo gamit yang bamboo made na balsa medyo nakakatakot lakas kasi ng ulan tapos lakas pa ng agos yung falls pa mixed emotions haha
*Nagtrek kami ng very light para makita yung taas ng falls. kung mapapansin nyo medyo maitim yung tubig dahil sa ulan' non stop simula ng dumating kami sa surigao naka red alert na nga sa balita haha
4:00 pm Going to Davao airport
*Kumain muna kami ng pototoy pauwi haha alam nyo yung pototoy? Masarap yun 😋😂
  • Pototoy- suman na may ice cream sa ibaba at chocolate syrup
*Alam ko nasa isip nyo' kasi parehas tayo ng nasa isip haha
9:00 pm Davao Airport
*Uwian na how sad 😔


SUMMARY OF EXPENSES
Tour - 2,200.00
Day 1 breakfast - 100.00
Day 1 lunch - 70.00
Day 1 dinner 340.00 pesos for 4 person
Day 2 lunch 670.00 for 4 person
Day 2 dinner 100.00 pesos
Total: 2,722.50

Madami pang pwedeng puntahan sa surigao like aliwagwag falls at sohotan. Yang sohotan may tour din sila 'surigao tour' for 999.00 pesos mukhang maganda don pero dahil lack of time di na namin napuntahan kaya kayo mga bes maglaan kayo ng 4 days para ikutin ang Surigao Del sur. Research some places din dami rin kasing recommended place sila kuya kaso babalik na kami ng manila.

Kudos sa 'surigao tour'! Maraming Salamat po!
(Pwedeng tumawad sakanila guys kung group of 4-6 kayo sabi ni kuya Allen Keven hahaha)

Next destination Tacloban-Biliran ...

Comments

Popular posts from this blog

Tacloban: 4D 3N Kalanggaman Island & Biliran Island tour Travel Itinerary and Expenses

Davao City: Eden Nature Park & Samal island Travel Itinerary and Expenses 2D 1N